Saturday, September 12, 2009

Ang Alamat ni Mumble

Full Name: Mumble Baby Monster
Nickname: Mumble
Nickname per my Mom: Mumble Bee
Nickname per the City Veterinarian of Antipolo: Manbul
Gender: Male
Breed: Rottweiler

Malaking aso si Mumble. At negro. Bigay sya ni Jeff Khowviset sa amen ng ex ko nung kami pa, way back in 2006. Galing syang Baguio. Sinakay ko pa sa bus pauwi kase wala naman akong sariling sasakyan. Bawal ang pets sa aircon busses kaya tinago ko sya sa loob ng kahon ng Bread Talk. Ang liit nya pa kase nun, parang malaking daga lang. Hehe. Tas hindi rin pwedeng may katabi ako kase baka makita sya, so binilan sya ng sariling ticket ng ex ko (kase wala na akong pera nun). Sinukahan pa nga nya ako nun eh, buti na lang may extra shirt pa ako. Good thing din hindi pa sya marunong tumahol nun kaya hindi kami nahuli. Ü

Sya bale yung yardstick ng career ko kase kakasimula ko pa lang mag-work nun, associate software engineer pa lang ako. Few months pa lang ako nagtatrabaho. Nung na-promote ako to software engineer, malaki na sya kaya medyo gipit pambili ng dog food kase ang lakas kumain nito. Pwedeng pang-contest. Sabi ni Mama, sya raw ang "batayan" ng success ko sa work. Kaya raw ako na-promote this year to senior software engineer kase lagi raw mataba si Mumble. Isa pang wateber. Haha.

May alam syang tatlong tricks: Shake hands, good boy (sit), pati lie down. Nung bata sya tinuturuan ko mag-fetch kaso nawala yung favorite nyang fetch object kaya hindi na natuto sa ibang bagay. Na-depress siguro. Hehe.

Hindi palaaway to. Pag wino-walk around ko sya tas may ibang asong galit na galit makita sya, uupo lang sya tas papanuoring tumahol yung ibang aso. Parang nang-aasar no? Hehe. Mabait din sya sa kids. Pag dumadaan kami sa mga playground dito, nilalapitan sya. "Kuya, can I ride on him like I can on a donkey?" sabi minsan ng isang bata na naka-cowboy costume. Hindi pinayagan ng yaya kase "dengjeros" daw ang dogs. Wateber yaya. Haha. Tinuruan namen syang maging hindi aggressive para hindi delikado sa ibang tao kase pound-for-pound, pinakamalakas ang Rottweiler dogs. Tama, parang sila yung Manny Pacquiao ng all divisions ng dog boxing. Or biting. Wateber. Haha.

Nung nag-break kami ng ex ko, nag-emo to ng ilang araw. Ayaw kumain tas laging nakatingin sa malayo. Ang gara no? Nakaka-miss din pala sila ng tao. Ü

Three years old na si Mumble on December. So 25 dog years na sya ngayong 2009. Sabay kami nag-25. Hehe.

Medyo sikat sya dito sa subdivision. Minsan pag weekends, may group of kids na bumibisita sa kanya. Kasama mga yaya nila tas nagpapa-picture sa may gate namen, background si Mumble "The Big Black Dog" sabi nung isang bata. Hehe.

Meron syang dalawang GF dito sa subdivision, sina Wiggles at Janice. Rottweiler din sila. Hate sya ni Wiggles kase nung first time nila magkita, tinalunan ni Mumble. Immature pa kase sya nun kaya puro laro lang ang alam. Haha. Mula nun pag dumadaan kami ni Mumble kay Wiggles, tinatahulan sya. Haha. Si Janice naman, tingin ko na-TO rin sa kanya kase nung first time naman nila nagkita, pinaliguan ni Mumble ng laway. Haha. Pinagyayabang pa naman nung handler na mabango daw yung dog shampoo ni Janice. Haha. Photos ni Mumble after the jump. Ü

• Bago kami umuwi sa Antipolo from Baguio Ü



• Mumble at eight months



• Pareho kase kami ng shampoo : þ



• Eto yung nag-emo sya, pumayat : (



• Tas tulala madalas : (



• Tapos na sya mag-emo nito, medyo tumaba na ulet Ü



• Malaking maitim na aso



• Pag pagod na sya mag-walk, bigla na lang sya dadapa : þ



• Papanoorin lang nya mga galit na aso Ü



• Isa sa friends nya dito sa subdivision, si Lahar



• Kasama Mama ko (lola nya)



• Walang hustisya : þ

6 comments:

  1. 'hAhAhA.. aNaK mU nGa ciA.. n0 doUbt aboUt it.. hAhAhA..

    ReplyDelete
  2. It is in point of fact a great and useful piece of info.
    I am happy that you simply shared this useful information with us.
    Please keep us informed like this. Thank you for sharing.



    My blog ... orquesta atraccion

    ReplyDelete
  3. I do not even know how I finished uр right here, but I aѕsumеd thіs poѕt
    was once great. Ι don't understand who you might be however certainly you're going to a famous blogger if уou happen to aгen't already. Cheers!

    Review my web-site - dysfonction erectile

    ReplyDelete
  4. Superb, what a website it is! This webpage provides valuable
    information to us, keep it up.

    my blog; http://www.pregnancyhelper.in/

    ReplyDelete