Nickname: Yuki
Gender: Male
Breed: Japanese Spitz

May alam syang trick: Shake hands. Hehe. Masungit na aso si Yuki, ayaw nyang hahawakan sya pag kumakain. Nasa Uncle Manny ko na sya ngayon pero pag bumibisita kami dun, kilala pa nya kami. Maspaborito nyang kumain ng tinapay kesa kanin. Wirdong aso. Ü Six human years na sya ngayon, so 37 dog years na sya per this site: http://www.onlineconversion.com/dogyears.htm
---
Full Name: Yuna
Nickname: Yuna
Gender: Female
Breed: Pug

Sa barkada ko to. Hindi ko alam kung kay Lukas ba or kay Bevs or sa kanilang dalawa. Hindi ko rin alam kung kanino dapat ang custody ayon sa batas ngayong hindi na sila. Peace sa inyong dalawa. Hehe. : þ
Makulet to. Sobra. Yung buntot nya, "cinnamon" ang tawag kase daw nakakulot. Tas rare daw kase twice naglu-loop. Ewan kung totoo or pauso lang ni Bevs. Hehe. Twice na sya nabuntis kaso parehong failure. Sayang yung pups. : (
Sa Baguio sya nakatira. Next next week magkikita ulet kami. Pati nina Lukas at Bevs. Separately. Hehe. : þ
---
Full Name: Potchay De Guzman
Nickname: Potchay
Gender: Female
Breed: Shih Tzu



Kay Uncle Ben ko si Potchay. Marunong mag-smile. Tas ang taas tumalon! Parang kuneho. Haha.
Plano syang kidnapin ng Ate ko. With all due honesty, nagpaplano pa sya ng paraan kung pano para hindi malaman ni Uncle Ben. Ina-apply nya ang mga natutunan nya sa CSI: Las Vegas to come up with a "Master Plan" sabi nya. Para daw hindi ma-trace ng tiyo namen kung sino ang nangidnap. Wateber. Wirdo. Haha.
No comments:
Post a Comment