Nag-forward ako ng quote kahapon sa maraming tao sa fonebook ko. Nag-reply agad ang isa.
Recipient: Sino sila? Nabura kase fonebook ko, hindi po ako nakapag-backup.
Gusto kong mantrip kase nabo-bore ako sa ginagawa ko sa office. Minsan masarap asarin mga kakilala mo pag hindi nila alam na ikaw pala yung kausap nila tas mato-torture sila kase pilit nilang iisipin kung sino ka pero hindi ka pa rin magpapakilala hangga't magmura na sila, mag-off ng fone or minsan pa magbabago ng number maiwasan lang ang pamba-bad trip mo. Hehe. Kaya ayun, nag-reply ako.
King: Isa akong salamangkero na binasbasan ng pinakamahusay na ermitanyo.
Sumagot ulet sya. Mabilis ang reply.
Recipient: King?
Mission failed.
King: Amp naman oh. Sana naman nanghula ka muna ng mali.
Saturday, August 29, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment